Kami, mga peministang organisasyon at mga kaalyado mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ay nananawagan para sa Pandaigdigang Welga ng mga Kababaihan sa ika-8 ng Marso 2020. Nananawagan kami sa lahat ng kababaihan, peminista at mga taga-suporta na magsagawa ng tigil-paggawa bilang pagkilala natin sa ugat sa kasaysayan ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan, na ito ay nagmula sa pagsambulat na mga welga ng mga kababaihan. Ipinakikita nito na kapag tumigil ang kababaihan, titigil din ang mundo.
Bakit natin ito ginagawa?
Dahil hindi tinupad ng mga gobyerno ang kanilang mga pangako, 25 taon na ang nakakalipas, na isulong ang pagkapantay-pantay, pag-unlad at kapayapaan para sa lahat. Habang patuloy ang paglikha ng yamanan ng mundo, dumami, lumawak at lumalim ang di-pagkapantay-pantay [1]. Dahil sa kalakhan ay nanggaling ang nalikhang kayamanan sa lakas paggawa ng mga kababaihan, ngunit hindi naman sila nabahaginan ng yamang ito. Nabubuhay tayo ngayon sa isang kaayusang pang-ekonomyang nananamantala sa mga kababaihan at nakikinabang sa libre o napakababang halagang natatanggap ng mga kababaihan sa kanilang lakas paggawa, kasama pa dito ang mga mapanganib na mga kundisyon sa paggawa.
Dahil sa buong mundo, umaabot sa ¾ ng kabuuang halaga ng hindi bayad na pag-aaruga ang patuloy na ginagampanan ng mga kababaihan. Patuloy ang mga kababaihan sa paggampan ng mga gawain sa pag-aaruga ng pamilya at komunidad, mga gawaing di kinikilala at mababa ang pagpapahalaga bilang bahagi ng produksyon. Halimbawa, sa Asya Pasipiko, ang hindi pagbayad sa ginagampanang pag-aaruga bilang paggawa ay apat na beses na mas malala kaysa sa paggawa sa buong mundo.
Dahil sa buong mundo, umaabot sa ¾ ng kabuuang halaga ng hindi bayad na pag-aaruga ang patuloy na ginagampanan ng mga kababaihan. Patuloy ang mga kababaihan sa paggampan ng mga gawain sa pag-aaruga ng pamilya at komunidad, mga gawaing di kinikilala at mababa ang pagpapahalaga bilang bahagi ng produksyon. Halimbawa, sa Asya Pasipiko, ang hindi pagbayad sa ginagampanang pag-aaruga bilang paggawa ay apat na beses na mas malala kaysa sa paggawa sa buong mundo.
Dahil ang mga kababaihang nagtataguyod sa karapatang pantao at tinututulan ang mga mapang-aping istruktura sa lipunan ay patuloy na sinisikil at dinadahas ng makinarya ng estado, pandaigdigang insitutusyong pampinansa at mga dambuhalng korporasyon. Nasasaksihan natin ngayon ang mabilis na pagliit ng puwang para ipagtanggol ang ating mga karapatan.
Dahil patuloy nating nararanasan ang iba’t ibang anyo ng karahasan at diskriminasyon batay sa edad, estado sa buhay, trabaho, lahi o etnidad, katayuan kung may HIV/AIDS, kapansanan, migrasyon, at tunay o napapansing oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan at pagpapahayag ng kasarian, at iba pang mga batayan.
Naniniwala kami na ang aming mga kahilingan ay syang mga kahilingan din ng mga kababaihan sa buong mundo:
Gusto namin ng mga alternatibong modelo ng pag-unlad na nagsisilbi sa interes ng mamamayan at ng mundo, nagtataguyod ng karapatang pantao, soberanya sa pagkain at hustisya sa klima. Nais namin ng disenteng trabaho at nakabubuhay na sahod para sa lahat ng kababaihan. Nais naming na ang walang bayad na pag-aaruga ay kilalanin at pahalagan, at mabawasan. Nananawagan kami sa pagwawakas ng karahasan batay sa kasarian. Nais naming tuldukan ang pang-aabuso ng mga korporasyon. Hinihiling namin ang pagkakapantay-pantay sa rekurso, kapangyarihan at oportunidad. Nais naming marinig, mapansin at maprotektahan ang mga mga boses. Nais namin ng pagbabago sa sistema, at nais namin ito ngayon!
Ngayong 2020 ay ginugunita natin ang 25 taon matapos ang Ika-Apat na Pandaigdigang Kumperensya sa Kababaihan ng 1995, mas lalong kilala bilang ‘Beijing Platform for Action’ [6], na naglalaman ng mga kasunduang magtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan. Ngayon ay panahon din para tayo ay magsama-sama, mula sa iba’t ibang henerasyon, kilusan at pakikibaka, magkaisa at patigilin ang mundo.
Sa kasaysayan, ang mga welga ay epektibong paraan ng mga kilusan para sa pagbabago. Ang Pandaigigang Araw ng mga Kababaihan ay hindi isang kampanya sa pagmemerkado upang maging maganda ang mga kababaihan. Ito ay araw kung saan ang mga kababaihan ay bumangon at bumalikwas, inilagay sa panganib ang kanilang mga buhay upang ipagtanggol ang mga batayang karapatan. Igalang natin ang kasaysayang ito, bawiin natin ang araw na ito, at muling buhayin ang kapangyarihan ng sama-samang pagkilos.
Ito ay isang na-update na pahayag
[1] “The top 1% captured twice as much global income growth as the bottom 50% since 1980”. World Inequality Report 2018. Retrieved from https://wir2018.wid.world/files/download/wir-presentation.pdf
[2] “80% of people displaced by climate change are women.” Halton, Mark. BBC (2018) Climate change ‘impacts women more than men’. Retrieved from https://www.bbc.com/news/science-environment-43294221
[3] “A lot of money is being thrown at climate change interventions, […] but almost none of it goes into research – not for the public health impact anyway. Everyone is thinking about environmental disasters. No one is thinking about public health”. BBC (2018) How climate change could be causing miscarriages in Bangladesh. Retrieved from https://www.bbc.com/news/world-asia-45715550
[4] International Labour Organization, ILO (2018). Care work and care jobs for the future of decent work. Ginebra: OIT
[5] World Economic Forum. The Global Gender Gap Report 2018. Retrieved from http://www3.weforum.org/docs/WEF_GGGR_2018.pdf
[6] Fourth World Conference on Women. Retrieved from http://www.un.org/womenwatch/daw/beijing/platform/0